Thursday, April 29, 2010

Halimbawa ng Isang Tagalog Tisis


KABANATA 1

PANIMULA


Kaligiran ng Pag-aaral

           Ang panitikan ay isang uri ng pagsulat maging pasalaysay man ito o patula. Para sa akin, pinag-aaralan ang Panitikan upang ating mapagtanto ang tunay na kahulugan ng bawat kasaysayan. Kahit ang bawat nilalaman ng isang kasaysayan ay tinatawag na kathang isip lamang o tunay na nangyari ito ay nagtuturo sa atin ng kaisipang may malalim na damdamin. Dito natin nababanaag ang damdamin o ang punto de bista o ang gustong ipahayag ng isang manunulat. Tumatalakay ito sa lahat ng aspeto ng ating buhay, tulad ng mga pangyayari sa ating kapaligiran, sa pulitika, sa buhay-buhay, sa pangyayari, sa paligid at nagbibigay diin sa bawat damdamin ng mga taong nasasangkot dito, tulad halimbawa ng damdaming pagkasuklam, pagkapoot, pag-ibig, pagmamahal, pagkatakot at iba pa. Sa aking palagay pinag-aaralan natin ang Panitikan upang matutunan natin ang tamang landas sa ating pamumuhay dahil sa panitikan tinatalakay ang bawat yugto ng buhay ng isang tao, ordinaryo man o maykaya sa buhay. At dito rin sa mga ito tayo natututo. Sana sa pamamagitan nito nasagot ko ang mga tanong mo kahit papaano. 
            Ayon kay  Maribel NagaƱo, Rehistradong Nars, na mahalaga ang pag-aaral ng panitikang Filipino sa propesyon natin bilang isang nars. Dahil sa pakikipag komunikasyon sa mga taong makakasalamuha sa pang-araw-araw na pagtatarabaho sa Ospital. At maging sa mga pasyente, gaya ng mga tagalog, mas higit nilang maiintindihan ang salitang tagalog kaysa sa wikang Ingles na wika ng mundo. 
            Ayon sa kasaysayan, ang NEUST, Kursong Narsing at maging sa larangan ng Ibang kurso ay bihasa sa pagsasalita ng tagalog, hindi dahil sa tagalog ang kanilang wika kung hindi, hinasa na ito ng mga guro sa larangan ng pagsasalita at pakikipag komunikasyon sa ibang tao. 
           
            Hindi lang sa mga pasalita nagagamit ng mga mag-aaral ang kaalaman sa larangan ng panitikan maging sa pagsulat, gaya ng mga pablikasyon ng unibersidad. Naipapaabot ng mga estudyante ang kanilang malawak na kaisipan at naibabahagi sa mga kapwa mag-aaral ng NEUST.
           
            Ayon sa populasyon ng Kursong Narsing sa NEUST, bumaba ito ng malaki kumpara sa dating populasyon. Dahil ito sa pagtaas ng mga nakapagtapos ng kursong Narsing ng walang trabaho.

            Kung pagbabatayan ang mga nasabing ulat at pahayag ay masasabi bilang konklusyon na bawat taon ay patuloy na bumababa ang bilang ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Nursing sa NEUST

Layunin ng Pag-aaral

            Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang kahalagahan ng panitikan sa kursong Bachelor of Science in Nursing o Narsing sa pang araw-araw na pakikisalamuha sa mga pasyenteng kanilang binibigyan ng pangalalaga.

Pagpapahayag ng Suliranin

            Sinisikap na sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1.    Anu-ano ang dahilan kung bakit patuloy na pinag-aaralan ng BSN ang tungkol sa panitikang Filipino?
2.    Anu-ano ang kahalagahan ng Panitikang Pilipino sa henerasyon?
3.    Bilang isang mag-aaral ng kursong nursing, anu-ano ang 
     maidudulot nito sa aking magiging propesyon?






Kahalagahan ng pag-aaral

            Para sa mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kanilang motibasyon upang kanilang mas lalong pag-ibayuhin ang pagsisikap sa kanilang pag-aaral maging ito man ay sa kursong Nursing o hindi.

            Para sa mga magulang, inaasahang ang pag-aaral na ito ay maging daan upang sila ay makatulong sa pagbubukas ng kamalayan ng kanilang mga anak, na siya ring mga mag-aaral, 
        
            Para sa mga propesor, ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kanilang dahilan upang mas lalo pa nilang pataasin ang antas at kalidad ng kanilang pagtuturo sa kanilang mga mag-aaral.

            Para sa pamunuan ng Nueva Ecija University of Science and Technology, inaasahang ang pag-aaral na ito ay magsilbing daan upang kanilang simulan ang paggawa ng higit na epektibong hakbang tungo sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral sa kursong Narsing.

            Para sa mga mananaliksik, inaasahang ang pag-aaral na ito ay mapukaw ang kanilang pansin at malaki ang maiambag sa kanilang pakikipag komunikasyon at gagawin pang pag-aaral tungkol sa pampanitikang pag-aaral ng mga mag-aaral ng NEUST sa mga taong kanilang nakasasalamuha.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

            Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa kahalagahan ng panitikang Filipino sa kursong Narsing sa Nueva Ecija University of Science and Technoogy. Saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang mga studyante ng Narsing mula 2009 hanggang 2010.



Depinisyon ng Termino

Board of Nursing. Isang lupon na binubuo ng mga taong maykatungkulan sa larangan ng panggagamot na siyang nagpapatupad ng mga batas na dapat sundin ng isang Nurse.

Kurso. Isang programa o palatuntunan ng pag-aaral na maaaring tapusin ng isang mag-aaral sa loob ng maikli o mahabang panahon.

 Mananaliksik, ang katawagan sa isang taong nangangalap ng mga impormasyon o datos ukol sa isang bagay na gustong malaman.

NEUST Advocate. Ang opisyal na pahayagan o lathalaan ng mga mag-aaral ng Nueva Ecija University of Science and Technology.

Nueva Ecija University of Science and Technology. Isang prominenteng pamantasan sa buong Pilipinas na matatagpuan sa General Tinio, Cabanatuan City.

Nurse. Isang taong nagtatrabaho upang tulungan ang mga doctor sa pag-aalaga ng mga maysakit.

Panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana.

            Student Publication. Ang tawag sa mga nakalimbag na aklat, peryodiko o lathalaan, at pahayagan na ginawa ng mga mag-aaral bunga ng kanilang malikhaing pag-iisip.
    



KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Mga Kaugnay na Literatura

            Ayon kay Cedrick Potter sa kanyang sipi na “Sa bawat pagkumpas ng kamay hawak-hawak ang pluma at papel, larawan ng isang lahi ang mamumukadkad. Sa bawat titik, nakabaon ang pusong nais sumigaw upang maihatid ang sari-saring opinyon at ideya. Sa bawat obrang nalilimbag, hatid ay ang ipamulat sa susunod na henerasyon ang makulay na nakaraan at masiglang kinabukasan” dahil sa pamamagitan ng ikinikilos ng isang tao ay mayroon na itong ipinahahatid na mensahe, gaya ng mga simbolo na makikita sa paligid. At sa pamamagitan ng paggamit ng wika at panitikan ito ay patuloy na mamamalagi sa katangian ng isang tunay na Pilipino.

Teoryang Klasismo
  Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
Teoryang Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
Teoryang Imahismo
  Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adhika na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.

Teoryang Realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
Teoryang Feminismo
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
Teoryang Arkitaypal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.
Teoryang Formalismo
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

Teoryang Saykolohikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
Teoryang Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
Teoryang Romantisismo
 Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan
Teoryang Markismo
 Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
Teoryang Sosyolohikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.
Teoryang Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito. 
Teoryang Bayograpikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
Teoryang Queer
 Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer.
Teoryang Historikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.



Teoryang Kultural
 Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
Teoryang Feminismo-Markismo
 Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.
Teoryang Dekonstraksyon
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

            Sa aking pag-aaral hindi lang lkayang abutin ang isang bagay kung indi ito lalakipan ng pag kilos. Kaya kung ating ihahabing sa pag-aaral n panitikan ay hindi natin ito matutunan kung hindi natin ito isasabuhay.  Nag-uugat ang lahat ng likhaing pampanitikan mula sa buhay, at naglalarawan ng kalinangang pinagmulan nito.





KABANATA 3

PAMAMARAAN NG PAG-AARAL


            Naglalahad ang kabanata na ito ng mga pamamaraan at instrumentong gagamitin sa paglilikom at pagsusuri ng mga datos na kakailanganin upang masagot ang mga suliranin sa pag-aaral na ito.

Disenyo ng Pananaliksik

            Ang paglalarawang pananaliksik ang gagamitin sa pag-aaral na ito. Naniniwala ang mananaliksik na ito ang pinaka-angkop na paraan upang matuklasan ang mga katotohanan na magiging batayan ng interpretasyon sa pagkakatulad o pagkakaiba, pag-uuri-uri at pagbibigay halaga sa mga nabanggit na talatanungan.

            Ang talatanungan ang pangunahing instrumentong gagamitin sa paglikom ng mga datos. Magkakaroon din ng pormal na pakikipanayam ang mga mananaliksik sa mga respondent tungkol sa kanilang mga pananaw hinggil sa Kahalagahan ng pag-aaral ng panitikan sa kursong Narsing ng Nueva Ecija University of Science and Technology.

Mga Kalahok sa Pag-aaral

            Tinangka ng mananaliksik na ilahok ang apatnapu’t pitong (47) bahagdan ng mga estudyante na kukuha at kumukuha na kursong Nursing sa College of Arts and Science sa NEUST.










TALASANGGUNIAN



A. INTERNET

            http://wikipedia.com
            http://pinoyhenyo.com
            http://www.wikianswer.com
           





























TALATANUNGAN

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan ng maigi at pagkatapos ay kukunin ng mga mananaliksik makalipas ang ilang minuto. Kayo ay makakaasa na lahat ng mga impormasyon na inyong ilalahad ay mananatiling confindential ng mga mananaliksik.

I. Basahin ang mga sumusunod na katanungan. Lagyan ng Check (√) ang loob ng kahon batay sa inyong palagay

Tanong
Lubos na Sang-ayon
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
Lubos na Hindi Sang-ayon
Walang masasabi
1. Sapat ba ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng NEUST sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Nursing?





2. Kaunti lang ba ang bilang ng mga mag-aaral sa kursong Narsing ng NEUST na interesadong pag-aralan ang Panitikang Filipino?





3. Sapat nab a ang leksyon na itinuturo ng mga mag-aaral bago ito?





4. Kailangan bang pagtuunan ng pansin ng mag-aaral ang pag-aaral ng panitikang Filipino?





5. Malaki ba ang bilang ng mga estudyanteng interesadong pag -aralan ang Panitikang Filipino?








II. Bilugan ang titik ng napiling kasagutan sa mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang iyong masasabi kung ikukumpara ang kaalaman ng mga Narsing student ng NEUST sa larangan ng Panitikan sa ibang unibesidad?
            a.) Mas magaling.
            b.) Kulang at nahuhuli sa leksyon.
            c.) Magaling ngunit kailangan pang pag-ibayuhin ang pag-aaral

2. Kung istilo ng pagtuturo ang pagbabatayan, ano ang pagkakaiba ng mga trainers at mga propesor ng NEUST Institute of Nursing sa mga trainers at mga propesor ng ibang unibersidad?

a.) Ang mga trainers at mga propesor ng NEUST ay mas student-centered, mas  
     interaktibo, at mas advanced ang pagtuturo kumpara sa mga trainers at mga
     propesor ng ibang unibersidad.

b.) Nahuhuli sa panahon ang istilo ng pagtuturo ng mga trainers at mga propesor ng
      NEUST kumpara sa mga trainers at mga propesor ng ibang unibersidad.

c.) Hindi masyadong mahigpit o strikto ang mga trainers at mga propesor ng NEUST
      kumpara sa mga trainers at mga propesor ng ibang unibersidad.

3. Mas mahigpit ba ang NEUST pagdating sa pag-aaral Panitikang Filipino ng mga estudyante ng kursong Nursing kumpara sa ibang unibersidad na nagtuturo Panitikan?
            a. OO
            b. HINDI
            c. MEDYO



III. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng ekis (√) ang loob ng kahon batay sa iyong palagay o opinyon.

Tanong
Lubos na Sang-ayon
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
Lubos na Hindi Sang-ayon
Walang masasabi
1. Sa NEUST Teacher’s nakasalalay ang pagtaas o pagbaba ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Panitikang Filipino.





2. Sa mga mag-aaral nakasalalay ang pagtaas o pagbaba ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Panitikang Filipino.





3. Nakasalalay sa mga librong nakalimbag ang kamalayan ng mga Narsing Student sa panitikang Filipino.





















KABANATA 4
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Talahanayaan Bilang 1

 Talahanayan Bilang 1.1

Kategorya
DR
F
WF
P
WM
VI
Sapat ba ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng NEUST sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Narsing?
5
4
3
2
1
15
28
3
0
1
75
112
9
0
1
31.9
59.6
6.4
0
2.1
4.19

SA
Total

47
197
100



Ipinapakita sa talahanayan bilang 1.1 na 28 respondente o 59.6% ang sumasang-ayon na sapat ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng NEUST sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong narsing; 15 respondente o 31.9% ang lubos na sumasang-ayon; 3 respondente o 9% ang hindi sang-ayon; 1 respondente o 2.1% ang walang masabi; at wala ang nag nagsabing hindi sila lubos na sang-ayon na may berbal na deskripsyon “sang-ayon.”

 Talahanayan Bilang 1.2

Kategorya
DR
F
WF
P
WM
VI
Kaunti lang ba ang bilang ng mag-aaral sa kursong narsing ng NEUST na interesadong pag-aralan ang Panitikang Filipino?
5
4
3
2
1
3
21
15
3
5
15
96
45
6
5
6.4
44.7
31.9
6.4
10.6
3.55

SA
Total

47
167
100







            Inilalahad sa talahanayan bilang 1.2 na 21 respondente o 96% ang sumasang-ayon na konti lang ang mga mag-aaral na interesadong pag-aralan ang Panitikang Filipino sa kursong narsing ng NEUST; 15 respondente o 31.9% ang hindi sang-ayon; 5 respondente o 10.6% ang walang masabi; at tig-3 respondente o 6.4% ang nagsasabing sila ay lubos na sumasang-ayon at lubos na hindi sumasang-ayon na may berbal na deskripsyong “sang-ayon.”

Talahanayan Bilang 1.3

Kategorya
DR
F
WF
P
WM
VI
Sapat nab a ang leksyon na itinuturo sa mga mag-aaral bago nito?
5
4
3
2
1
4
22
13
2
6
20
88
39
4
6
8.51
46.81
27.66
4.26
12.177
3.34

DS
Total

47
157
100



            Ipinapakita sa talahanayan bilang 1.3 na 22 respondente o 46.81% ang nagsasabing sila ay sang-ayon; 13 respondente o 27.66% and hindi sang-ayon; 6 respondente o 12.177% ang mga walang masabi; 4 respondente o 8.51% ang lubos na sumasang-ayon; at 2 respondenete o 4.26 ang lubos na hindi sumasang-ayon na may berbal na deskripsyong “hindi sang-ayon.”

Talahanayan Bilang 1.4

Kategorya
DR
F
WF
P
WM
VI
Kailangan bang pagtuunan ng pansin ng mga mag-aaral ang pag-aaral ng Panitikang Filipino?
5
4
3
2
1
16
28
1
1
1
80
112
3
2
1
34.04
59.57
2.13
2.13
2.13
4.21

SA
Total

47
198
100





            Inilalahad sa talahanayan bilang 1.4 na 28 respondente o 112% ang nagsasabing sila ay sang ayon na kailangang pagtuunan ng pansin ng mga mag-aaral ang pag-aaral ng Panitikang Filipino; 16 respondente o 34.04% ang lubos na sumasang-ayon; at tig1 respondente ang nagsasabing sila ay hindi sang-ayon, lubos na hindi sumasang-ayon, at walang masabi na may berbal na deskripsyong “sang-ayon.”

Talahanayan Bilang 1.5

Kategorya
DR
F
WF
P
WM
VI
Malaki ba ang bilang ng mga estudyanteng interesadong pag-aralan ang Panitikang Filipino?
5
4
3
2
1
6
23
10
0
8
30
92
30
0
8
12.77
48.94
21.28
0
17.02
3.40

DS
Total

47
160
100



            Ipinapakita sa talahanayan bilang 1.5 na 23 respondente o 48.94% ang nagsasabing sila ay sang ayon na malaki ang bilang ng mga estudyanteng interesadong pag-aralan ang Panitikang Filipino; 10 respondente o 21.28% ang hindi sumasang-ayon; 8 respondente o 17.02% ang walang masabi; 6 respondente ang nagsasabing sila ay lubos na sumasang ayon; at walang respondente ang nagsasabing sila ay lubos na di sumasang-ayon na may berbal na deskripsyong “hindi sang-ayon.”










Talahanayan Bilang 2

(Talahanayan Bilang 2.1) Kaalaman ng mga estudyante sa kurong narsing ng NEUST sa larangan ng Panitikang sa ibang unibersidad.


F
P
R
a.) Mas magaling
13
27.66
2
b.) Kulang at nahuhuli sa leksyon
2
4.26
3
c.) Magaling ngunit kailangan pang pag-ibayuhin ang pag-aaral

32

68.09

1
Total
47
100


            Ipinapakita sa talahanayan bilang 2.1 na rank 1 – 32 respondente o 68.09% ang nagsasabing magaling ngunit kailangan pang pag-ibayuhin ang pag-aaral; rank 2 – 13 respondente ang sabing kulang at nahuhuli sa leksyon; at rank 3 ang mga nag sabing mas magaling.

(Talahanayan Bilang 2.2) Istilo ng pagtuturo


F
P
R
a.) Ang mga trainers at mga propesor ng NEUST ay mas student centered, mas aktibo at mas advanced ang pagtuturo kumpara s mga trainers at mga propesor ng ibang Unibersidad.






30






63.83






1
b.) Nahuhuli sa panahon ang istilo ng pagtutuo ng mga trainers at mga propesor ng NEUST kumpara sa mga trainers ng mga propesor ng ibang Unibersidad




6




63.83




3
c.) Hindi masyadong mahigpit o istrikto ang mga trainers at mga propesor ng NEUST kumpara sa mga trainers at mga propesor ng ibang Unibersidad





11





23.40





2
Total
47
100


            Inilalahad sa talahanayan bilang 2.2 na rank 1 – 30 respondente o 63.83% ay nagsasabing ang mga trainers at mga propesor ng NEUST ay mas student-centered, mas aktibo at mas advanced ang pagtuturo; rank 2 – 11 respondente o 23.40% ang naglalahad na hindi masyadong mahigpity o istrikto ang mga trainers at propesor ng NEUST; at rank 3 – 6 respondente o 12.77% ang nagsasabing nahuhuli sa panahon ang istilo ng pagtuturo ng mga trainers at propesor ng NEUST.







(Talahanayan Bilang 2.3) Kahigpitan ng NEUST sa pagtuturo ng Panitikan


F
P
R
OO
9
19.15
2
HINDI
8
17.02
3
MEDYO
30
63.83
1
Total
47
100


            Ipinapakita sa talahanayan bilang 2.3 na rank 1 – 30 respondente o 63.83% ay nagpapahayag na hindi masyado ang kahigpitan ng NEUST sa pagtuturo ng Panitikan; rank 2 – 9 respondente o 19.15% ang nagsasabing mahigpit magturo ng Panitikang Filipino ang NEUST; at rank 3 – 8 respondente ang nagsasabing hindi.


Talahanayan Bilang 3

Talahanayan Bilang 3.1

Kategorya
DR
F
WF
P
WM
VI
Sa mga Guro ng Neust nakasalalay ang pagtaas o bagbaba ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Panitikang Filipino.
5
4
3
2
1
15
21
7
3
1
75
84
21
6
1
31.91
44.68
14.89
6.83
2.13
3.98
SA
Total

47
187
100



            Inilalahad sa talahanayan bilang 3.1 na 21 respondente o 44.68% ang nagsasabing sang-ayon sila na sa mga guro ng NEUST nakasalalay ang pagtaas at pagbaba ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Panitikang Filipino; 15 respondente o 75% naman ang lubos na nagsang-ayon; 7 respondente o 14.89% ang nagsasabing di sila sang-ayon; 3 respondente o 6.83% ang nagsasabing lubos na hindi sila sang-ayon; at 1 respondente o 2.13% ang walang masabi  na may berbal na diskripsyong “sang-ayon.”




Talahanayan Bilang 3.2

Kategorya
DR
F
WF
P
WM
VI
Sa mga mag-aaral nakasalalay ang pagtaas o pagbaba ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Panitikang Filipino.
5
4
3
2
1
18
23
3
0
3
90
92
9
0
3
38.40
48.94
6.38
0
6.38
4.13

SA
Total

47
194
100



            Ipinapakita sa talahanayan bilang 3.2 na 23 respondente o 48.94% ang nagsang-ayon na sa mga mag-aaral nakasalalay ang pagtaas o pagbaba ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Panitikang Filipino; 18 respondente o 38.40% ang lubos na sumang-ayon; tig3 respondente o 6.38% ay di sumasang-ayon at walang masabi; at walng respondente na nagpahayag na lubos na di sumasang-ayon na may berbal na diskripsyong “sang-ayon.”
















KABANATA 5

PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


PAGLALAGOM

            Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa layuning madetermina ang kahalagahan ng Panitikang Filipino ng Nueva Ecija University of Science and Technology sa kursong Narsing. Ang
Ginamit na pamamaraan ng pananaliksik ay deskriptib nanormatib sarbey namn ang ginamit sa pangangalap ng mga datos at impormasyon. Ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng isang kwestyuneyr na ginamit na instrumento sa pangangalap ng mga datos mula sa mga respondente. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa taong-akademiko 2010.
            Sa apatnapu’t pitong (47) respondenteng unang taon na kumukuha ng kursong Narsing sa NEUST.

KONKLUSYON

            Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na konklusyon:

a.) Ang karamihan sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong narsing ay nag-sasabing sapat ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay sa kanila ng pamantasan.

b.) Aminado ang mga mag-aaral na kaunti lamang ang bilang ng mga mag-aaral na interesadong pag-aralan ang Panitikang Filipino

c.) Madami ang hindi sumang-ayon na Sapat ang leksyon na itinuturo sa mga mag-aaral bago ito.

d.) Karamihan ay nag-sasabing dapat pang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ng panitikang Filipino.

e.) Hindi sang-ayon ang mga studyante na interesado silang pag-aralan ang panitikang Filipino sa kanilang kurso.

f.) Magaling ngunit kailangan pang pag-ibayuhin kumpara sa ibang unibersidad ang kaalaman ng mga mag-aaral ng NEUST sa larangan ng Panitikang Filipino.

g.) Mas student-centered ang mga propesor sa NEUST kumpara sa ibang UNibersidad.

h.) Mataas ang nakuhang impormasyon sa medyo mahigpit ang NEUST sa pagtuturo ng Panitikan.

i.) Sumasang-ayon ang lahat na sa guro nakasalalay ang kinalaman ng mga mag-aaral sa panitikang Filipino.

j.) Tanggap ng mga mag-aaral na sa kanila nakasalalay ang pagtaas at pagbaba ng kanilang kaalaman sa Panitikang Filipino.

REKOMENDASYON

            Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong-pagpapakumbabang iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyon ang mga sumusunod na rekomendasyonp;

            Para sa mga namumuno sa paaralan, maging mahigpit sa pagtanggap ng mga guro sa Panitikang Filipino. Kailangan ipatupad ang minimum na kwalipikasyong itinakda ng serbisyo sibil sa pagtanggap ng mga bagong guro sa nabanggit na signature.



            Sa CHED. Pag-aralan kung paano madaragdagan ang pondong inilaan sa pagpapabuti ng pagtuturo sa Panitikang Filipino sa mga Paaralan o UNibersidad.

            Para sa mga guro ng Pamantasan, maging mahigpit at istrikto sa pagtuturo ng Panitikang Filipino sa mga mag-aaral. Mag-isip ng ibang istilo ng pagtuturo upang makadagdag ng interest sa mga mag-aaral upang mahikayat itong mag-aral mabuti.

            Para sa mga Mag-aaral, bigayang pansin ang mga leksyon na itinuturo ng mga guro sa panitikang Filipino. Pag-ibayuhin pa ang pag-aaral upang mapabilis ang pag-unawa sa mga leksyon at mapabilis ang pagtuturo ng mga guro upang makadagdag kaalaman.

            Para sa mga Magulang, bigyang-pansin ang mga anak sa kanilang pag-aaral. Hikayatin patio na mag-aral mabuti at ipaalam kung ano ang magandang idudulot nito sa kanilang buhay at kung paano ityo makatutulong.

            Para sa iba pang Mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito upang makatuklas ng iba pang solusyon sa mababang istado ng panitikang Filipino sa lalawigan.

            Para sa iba pang mga Mananaliksik/CHED, magsagawa ng katulad na pag-aaral hingil sa ibang asignatura at/o sa ibang local upang mahangaan ng mga posibleng solusyon ang iba pang matutukoy na suliraning pang edukasyon.

Tula (Sa Paghihintay ng Kamatayan)



Sa Paghihintay ng Kamatayan

Nakaratay ang aking katauhan
sa katreng tigib ng kalumbayan
naghihintay sa Anghel ng Kamatayan
na siyang magwawakas nitong kalalagayan.

Unti-unting nanghihina
ang pisikal na katawan
habang nawawalan ng pananalig
sa diyos nilang tinatawag,
Hesus na Tagapagligtas!

Ako'y nakalugmok
binawian ng dangal
sakit na dumapo sa aki'y nakadidiri
walang lunas kundi kamatayan.

Batik sa aking katauhan
isang itim na tuldok
sa puting kalooban
siya ninyong nakikita
mga mapaghanap ng kasiraan!

Anghel ng Kamatayan
halina't iyong ipikit
ang aking mga mata
patigilin ang tibok ng aking puso
bawiin ang aking buhay.

Lipunang mapanlibak
na tumutugis sa akin
kayo'y mananahimik na
nalalapit na ang katapusan
ng aking pagdurusa.

Baka doon sa sinasabi ninyong
kabilang buhay
ako'y kilalanin ng Diyos
na siyang makapagbibigay
ng dangal sa aking pagkatao

Tula (Ang Bagong Bayani)


ANG BAGONG BAYANI

ni Rafael A. Pulmano

Nilisan ang bansa kapalit ng dolyar
Singaporeang paslit ang inalagaan
Ang sariling anak, nalamnan ang tiyan
Gutom sa kalinga ng magulang naman.

Gurong naghahangad ng riyal na kita
Nag-domestic helper sa Saudi Arabia
Four years nagtiyagang pakadalubhasa
Sa ibang lahi pa nagpapaalila.

Dating chief engineer sa sariling nasyon
Sa abroad nag-apply: karpentero-mason
Noo'y naka-jacket sa lamig ng aircon
Sa init ng araw ay sunog na ngayon.

Sawa na sa laging galunggong ang ulam
Nagsikap marating ang bansa ng sakang
Sariling katawan ang ikinalakal
Umuwing mayaman, malamig na bangkay.

Nagtiis maglayo yaong bagong kasal
Upang pag-ipunan ang kinabukasan
Masakit na birong pag-uwi ng bahay
Nangulilang kabyak, may iba nang mahal.

Sila ang overseas contract workers natin
Masipag, marangal, at mapangarapin
Kahit may panganib, ayaw magpapigil
Legal o ilegal, bansa'y lilisanin.

Gobyernong kaylangan ang foreign currency
Passport, POEA at etceterang fee
Saludung-saludo, labis ang papuri
Sa OFWs - ang Bagong Bayani.

ISANG TULA PARA SA MASA

ISANG TULA PARA SA MASA
Ang politika at politiko dito sa ating bansa ay isang institusyong nangangailangan ng masusing pagbabago hindi lamang sa bulok na sistemang nakakubkob dito kundi sa nakaririnding kasamaan na lumalaganap. Narito ang isang tula sa tagalog na tungkol sa mga pulitiko at sa politika ng bansang Pilipinas.
Ang orihinal na tula ay maging inspirasyon sana sa lahat upang magsalita at lumaban sa oras na pakiramdam natin ay tinatapakan tayo ng mga higanteng lider ng bansa.


MGA HAYOP SA PILIPINAS

Labing-apat na hayop, nagtumaas, nagtumayog,
Nagharing uri sa pedestal at bantayog,
Niyukuran, tiningala, sinamba't sinunod,
Yaman, kapangyarihan ang sa kanila’y bumusog.

Masang alipin ‘di na alam kung saan susuling,
Pumurol na ang tabak, natunaw sa libing.
Ang ganti sa hagupit ng hayop na kapiling
Mga piping hiyaw, mga luhang haling!

Tangįŗ£ ang sisira sa kalawang na bakal,
Yuyurakan ka kahit na luhuran,
Timawang hayop sa gutom ay basal,
Walang pagkilala kay Bathala at dasal!

Sa hukom ng Hari doon ang higanti,
Pagsibol ng araw sa dilim ng gabi,
Mga hayop na busog at mga nakangisi,
Sa apoy ng impiyerno, hahantong sa huli!


Maraming lider ng bansa ang nagtamasa ng katakut-takot na yaman na ninakaw sa kaban ng bayan. Mga yaman ng bansang hindi napakinabangan ng nakararaming mga mahihirap. Ang masang Pilipino'y isang pulubing nakatanghod sa isang panginoong hindi marunong maawa. Hindi nakauunawa ng higit na kahulugan ng salitang pag-ibig.

Ipagwalang-bahala man ito ng mga nakapaligid, umaasa akong sa mga huling araw at sa araw ng paghuhukom ay haharap sila sa tunay na Panginoon na maraming daing at pagsisisi ngunit hindi NIYA sila pakikinggan.

Ang tulang tagalog na ito ay inihahandog sa mga Pilipinong pasan ang hirap ng buhay.

Paggawa ng Tisis sa Filipino



*kabanata 1, ang suliranin at kaligiran nito
-introduksyon
-layunin ng pag-aaral
-kahalagahan ng pag-aaral
-saklaw at limitasyon
-depinisyon ng terminolohiya

*kabanata 2, mga kaugnay na pag-aaral at literatura

*kabanata 3, disenyo at paraan ng pananaliksik
-disenyo ng pananaliksik
-mga respondete
-instrumentong pampananaliksik
-tritment ng mga datos

*kabanta 4, presentasyon at interpretasyon ng mga datos

*kabanata 5, lagom, kongklusyon at rekomendasyon

*listahan ng mga sanggunian


part ng apendiks

*pormularyo ng pagpapatibay ng paksang pamagat ng pag-aaral
*liham sa paghingi ng pahintulot sa interbyu
*transkripsyon ng interbyu
*liham sa paghingi ng pahintulot sa pagsasarbey
*sarbey-kwestyoner
*liham paanyaya sa mga panelist
*pormularyo sa pag-eebalweyt ng pamanahong papel
*pormularyo sa pag-eebalweyt ng pasalitang presentasyon




TULA TUNGKOL SA ABORSIYON

SILANG MGA WALANG DIYOS
Anonymous


Siya’y nagsimulang dugo sa balakang,
Sa simula’y walang malay,
Walang hugis, walang kulay.

Siya’y sanhi ng isang palag ng kasamaan.
Siya’y bunga ng mga kasidhian
Ng mga pag-aalab, ng mga kapusukan.

Lumangoy siya sa sinapupunan ng ina.
Nagkaroon ng buhay, umamot ng hininga,
Biniyayaan ng dakilang Bathala.

NGunit narito na naman ang imbay ng hangal
Ang puso’y nalupig ng bigong kasal.
Sarili ang isinalang, ibinalibag ang diwang banal

Hinatulan siya sa dilim na pusikit.
Siya’y walang puwang sa daigdig,
Sa impiyerno man o sa langit.

Siya’y sinikwat, niligis inukit, ,
Winasak, dinurog, sinaklit,
Siya’y kinarit, Hindi nakakapit!

Humantong sa ilalim, doon sa kawalan!
Hindi nila siya binigyan ng kalayaan
Ipinagkait ang pintig ng damang kabutihan!




Tamang Solusyon sa Hindi inaasahang Pagbubuntis (MUST READ!) 

            Isang maituturing na malaking pagsubok sa isang tao maging babae o lalake ang masangkot sa pagbubuntis o makabuntis sa hindi inaasahang pagkakataon. Nais ko na ibahagi sa inyo ang aking naging karanasan sa ganitong pagsubok para sa ganito mang paraan ay mahikayat ko kayo na piliin ang desisyon na huwag hadlangan ang pagsibol ng isang bagong buhay. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magalak tuwing naalala ko nung aking nabasa yung isang message sa isang thread ditto sa mukamo.com na ginawa ni ginoong Hangin at may isang babaeng nag-reply na hindi siya sumasang-ayon sa abortion, bagamat noon man nung siya at ang kanyang nobyo ay nasangkot sa ganitong pagsubok (hindi inaasahang pagbubuntis) ay binalak din nilang ipalag-lag ang bata pero sa huli ang kanilang balaking iyon ay nagbago rin, natatandaan ko pa naka-type sa message niya na

“ wala namang kasalanan ang bata”

isa ito sa mga salitang nagpa-realize sa akin na hindi ko dapat isipin o balaking ipa-abort ang bata  at ang isa ko pang nagustuhang sinabi niya ay yung

“hindi ako nagsisisi na hindi namin itinuloy ang pag-papalag-lag sa kanya”

malakas ang impact ng isinulat niyang ito sa akin, hindi ko alam kung anung salita ang gagamitin para maihayag ang aking naramdaman noon pero sa simpleng paraan ang masasabi ko ay naliwanagan ako sa pagkakataong iyon na nabasa ko ang isinulat niya. Simple lang ang message ng ginang na ito sa totoo lang, nabasa ko at narinig na ang ganitong payo sa maraming mga tao, tv, radio atbp. Pero sa palagay ko nasa tao rin minsan kung gaano siya ka-open tumangap ng payo. Kung minsan nga sa isang bata lang ay bigla tayong napapa “OO NGA ANO” pero bata lang iyon mas marami tayong karanasan sa kanya pero napapaisip niya sa atin kung minsan ang mga bagay na napapabayaan nating gawin o sundin. Isang simpleng menshae lang, maikling salita at payo pero kung tutuusin ang maliit at maikling mensaheng ito ay nakadag-dag upang magkaroon ng malaking pwersa para mangibabaw ang tamang desisyon, desisyon na sumagip sa buhay ng aking anak, desisyon na naglitas sa aming magkasintahan sa habang buhay na pagsisisi at maaring walang kapatawarang kasalanan. Isang simpleng post messsage pero may malaki palang potensyal na makapagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng isang tao, nito ko nagunita ang impluwensyang magagawa ng isang forum, thread at post. Ang artikulo ko na ito ay masasabing isang napaka-simple o unfromal work dahil sa totoo lang hindi naman talaga ako manunulat nito nalang ako nahilig sa pagsusulat nung napunta ako sa Saudi dahil minsan hindi mo naman masasabi sa iyong mga kasamahan ang iyong damdamin kayat sa journal ko nalang sinasabi ang aking mga saloobin. Ngayon ay nilalakasan ko ang aking loob na i-post ang aking mga isinulat patungkol sa aking karanasan tungkol sa isyu na ito, layunin ko na sana ay mahikayat ko kayong inyong buhayin ang bata at maiiwas ko kayo sa isang napakabigat na kasalanan. Kaya eto po ako ngayon ang inyong lingkod na magbabahagi ng aking karanasan at magbibigay ng payo na sana ay inyong pakinabangan kung kayo man ay masangkot sa ganitong uri ng pagsubok o kung ang isa sa mga mahal nyo sa buhay ang makadanas ng ganitong pangyayari.

Panimula

Bakit ba naiisipan ng mga magkasintahang ipalag-lag ang bata? Kung tayo ang titingin sa sitwasyon, masasabi natin na hindi natin gagawin ito kung tayo ang masangkot sa ganoong pag-subok, maganda kung ganoon ang ating isipan pero kung atin itong sasabihin ng diretso sa dalawang taong dumadanas ng ganitong pagsubok malaki ang posibilidad na hindi maging epektibo ang iyong pagpapayo kahit na ang iyong intension ay mabuti. May kasabihan nga na

“Laging magaling ang nanonood kesa sa manlalaro”

Kahit saan mo tignan mapa sports, pelikula o pagpili ng bibilhing gamit laging mukhang magaling o expertong pakingan magkomento yung taong nanonood o nakikinig lang, napakadali sa kanilang sabihin ang mga bagay-bagay, madali lang nilang sabihing

 “dapat ganun o ganito”

nagagawa nilang magbigay ng mga ganyang comments dahil hindi nila nararamdaman yung aktuwal na “pressure” yung pagod, mismong sitwasyon, mga maliliit na bagay na nagpapalito sa iyong pagdesisyon. Kaya sa artikulo ko na ito ginawa ko ang buo kung makakaya para maiwasang maging malabnaw ang aking pagpapaliwanag at pagpapayo.

Naiintindihan ko ang pakiramdam ng mag-couple na may ganitong publema, mapa bata, nasa tamang edad na sila, legal o illegal silang magkasuyo iisa lang sila ng nararamdaman.

Natatakot ipag-alam ang katotohanan

Natural na ayaw ninyong ipaalam na nakabuntis o nabuntis kayo kung wala pa kayo sa tamang edad, wala pa sa plano o hindi naman nyo asawa o kasintahan ang nakabuntis o nabuntis ninyo dahil hindi ninyo pa alam kung ano ang isasagot sa mga tanung na maririnig ninyo, hindi pa kayo handa sa anu mang consequences na maaring isingil sa inyo at higit sa lahat maaring hindi pa kayo handang tangapin ang katotohanan. Normal na maranasan ninyo ang mga ganitong pakiramdam o sitwasyon kahit hindi pagbubuntis ang isyu ay ayaw din natin ng iskandalo, ayaw natin na kapag tinanung tayo ng “bakit” ay wala tayong maisagot o kung minsan ay hindi ganoon kadaling tangapin ang katotohanan lalo na kung taliwas sa ating nakasanayang paniniwala. Ang isa sa nais kung ipaalala sa puntong ito ay…

 Nangyari Na Ang Nangyari

 Nabuntis o nakabuntis ka na at hindi mo na maibabawi ang pangyayaring ito. Hindi mo na maibabalik ang kahapon kaya huwag mong sayangin ang iyong oras sa labis na pagsisisi although dapat matutunan natin ang ating pagkakamali pero ang sobrang pag-sisisi ay hindi makakalutas ng iyong kasalukuyang publema kundi ang pakinabang nito ay maiiwas ka sa posibilidad na maulit ang iyong dating pagkakamali. Ang dapat gawin sa sitwasyon na ito ay humanap ng solusyun! At papaano natin susulusyunan ang publema?

Alamin ang tunay na suliranin

 Alamin natin kung ano ba talaga ang ating pinupublema, sa ganitong pangyayari maraming nagkakamali na i-identify kung ano ang tunay na suliranin, madalas ang bukang bibig ng mga tao “ang pagbubuntis” ang problema. Walang publema sa pagbubuntis, ang inyong pinupublema ay yung “paano” nag-dalang tao. Kung tutuusin normal lang namang makabuntis(lalake) o mabuntis ang isang babae, hindi ito publema kundi isang natural na pangyayari lamang, isang abnormality o publema kung hindi ka mabuntis o makabuntis(lalake) pero kapag nangyari ito sa hindi tamang processo halimabawa maling tao,  pagkakataon o inaasahang pangyayari dito na ang nagiging simula ng publema. Halimbawa ay nagdalang tao ang isang dalaga na wala pa sa edad na mabuntis o di kaya ay mabuntis ang isang babae ngunit ang Ama ng kanyang dinadalang bata ay hindi niya kasintahan o Asawa at ang isa ko pang nakikitang posibilidad ay mabuntis ang isang babae na nasa gipit na sitwasyon ang kanilang budget nandidito sa mga sitwasyong ito ang publema uulitin ko…

Nakabuntis/Nabuntis ng nasa minor na Edad
Ang madalas na publema dito ay paano sasabihin sa magulang.

Nabuntis/Nakabuntis ng hindi niya kasintahan o asawa
Ang madalas na publema ay paano sabihin sa kanyang asawa ang nangyari.

Nabuntis/Nakabuntis ng walang sapat na pangsuportang pinansyal sa bata
pera ang publeama.

Palagay ko itong tatlong ito ang madalas na mabigat na pinupublema ng mga taong nasasangkot sa hindi inaasahang pagbubuntis o makabuntis ay kung papaano sasabihin ang katotohanan o di kaya ay papaano susuportahan ang bata.

Alam ko na kung minsan sa buhay natin mahirap tangapin o sabihin ang katotohanan lalo nat mayroon tayong masasaktan na mahal natin sa buhay, hindi rin lingid sa kaalaman ko na mahirap ang buhay ngayon at pahirap ng pahirap pa kaya hindi biro ang magpalaki ng bata, hindi biro ang gastusing haharapin ng isang mag-aalaga sa kanya pero gaano mang kabigat o katotoo ang mga suliraning nagbabanta ay hindi ito sasapat upang maging validong dahilan para kitilin ang buhay ng isang sangol.

Maraming debate tungkol sa abortion may nagsasabi na kung sa una palang ay nalaman mong buntis ka ay hindi pagpatay ang abortion dahil dugo palang ang nasa- sa pupunan ng ina pero para sa akin lang hindi lang natin pinaguusapan ditto kung dugo, fetus o tao na ang nasa tiyan ng ina kundi pinaguusapan natin ditto kung papaano natin tatangapin ang isang sitwasyon, ang masakit sa isang abortion ay hindi yung mismong processo na inilalag-lag ang bata kundi yung sandaling pinagdesisyunan ninyong huwag siyang buhayin. Imaginin mo na ikaw ay nasa isang sinehan at nakikita mo na sa isang sinaryo ang iyong Ina ay nagdalang-tao ng hindi inaasahan at ang batang ito kunwari ay ikaw at nakita mo sa pelikulang ito ay napagpasyahan niyang ilag-lag ka, tiyak na masakit ang magiging pakiramdam mo hindi siguro yung processo ng pagpapalaglag sa iyo kundi yung sandaling nakita mong pinasyahan ng iyong ina na huwag kang buhayin, kung masakit ito sa iyo na may matured ng pag-iisip ay di bat mas nakakaawa naman itong gawin sa isang buhay na walang muwang sa pangyayari?

Kahit ano pang paraan o dahilan ng pagbubuntis, biglaan o hindi inaasahan, kapus ka man o talagang walang pera, sana kaibigan ito lang ang iyong tandaan

Hindi sagot ang abortion kailanman, hindi sagot ang pagpatay sa isang inosenteng buhay. Ang publema ay wala sa bata kundi nasa sitwasyon nung nabuo ninyo siya, kaya dun natin ituon ang ating atensyon kung mayroon tayong dapat ituwid para mai-tama.

Eto ang mga kaisaipan noon kaya pinili kung buhayin ang bata.
                                                                                   

Hindi ako ma-mamatay tao”

            Tulad ng iba ay nagkakasala din ako at may mga kaugaliaang nahihirapan akong baguhin, minsan tulad din ng iba ay madali akong nahuhulog sa tukso pero sa pagkakataong ito hindi ko hahayaang manaig ang pagiging makasarili o maimpluswensyahan ng masma ang puso ko.

“Hindi ako duwag”

            Isa itong magandang pagkakataon para patunayan ng isang lalaki ang kanyang tapang, harapin ang sitwasyon gawin ang tama kaysa sa takasan ito sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng inosenteng buhay.

“Mahal ko ang asawa at anak ko”

            Hindi ko magagawang silay saktan kailanman.


Maaring ang inyong mga sitwasyon sa kasalukuyan ay isang kakaibang storya o pangyayari na hindi natalakay sa artikulo kung ito, maaring ang pamagat ay kaintere-interesante dahil sa mga pagkakataong ito ay naghahanap kayo ng payo kung ano ang tamang gawin. Hindi din kasi madaling manghingi ng payo kung kani-kanino lang dahil ang ganitong bagay ay maselan, mahirap talagang tangapin ang katotohanan ng ganun-ganun nalang, kaya ikaw ay nakikibasa sa mga forum para makahanap ng sa palagay mo ay magandang solusyon, alam ko ang feeling dahil ganyang-ganyan din ako noon. Ngpapasalamat naman ako sa itaas at nagtagpo tayo ng landas kahit sa internet lang, sana ay makatulong ang artikulo na ito at tulad nga ng sinabi ko kung hindi man ako maka-relate sa iyong saktong sitwasyon, isang simpleng mensahe ang nais kung ipaabot sa iyo

Buhayin ang bata…

Matagal ng nakatenga ang artikel na ito sa aking laptap, dahil gusto ko sana na gawing mas-impressive at mas puno ng damdamin pero nag-aalala lang ako dahil ang sabi nila sa survey minu-minuto ay maraming nag-kokomit ng abortion at minu-minuto ay marami rin namang nag-iinternet at ditto gumagawa ng pag-sasaliksik kaya minarapat ko na itoy ipaskil kaagad upang kahit papaano akoy umaasang makatulong upang makapag-padagdag pwersa na hikayatain kayo na nasa ganitong sitwasyon na piliin ang tamang daan.

Huwag po nating hadlangan ang pasibol ng buhay.

Harapin ang ano mang pagsubok ng buong tibay ng loob at tapang.

Huwag po nating kalimutang humingi ng gabay sa itaas.


Hayaan nating mabuhay ang bata…