TULA TUNGKOL SA ABORSIYON
SILANG MGA WALANG DIYOS
Anonymous
Siya’y nagsimulang dugo sa balakang,
Sa simula’y walang malay,
Walang hugis, walang kulay.
Siya’y sanhi ng isang palag ng kasamaan.
Siya’y bunga ng mga kasidhian
Ng mga pag-aalab, ng mga kapusukan.
Lumangoy siya sa sinapupunan ng ina.
Nagkaroon ng buhay, umamot ng hininga,
Biniyayaan ng dakilang Bathala.
NGunit narito na naman ang imbay ng hangal
Ang puso’y nalupig ng bigong kasal.
Sarili ang isinalang, ibinalibag ang diwang banal
Hinatulan siya sa dilim na pusikit.
Siya’y walang puwang sa daigdig,
Sa impiyerno man o sa langit.
Siya’y sinikwat, niligis inukit, ,
Winasak, dinurog, sinaklit,
Siya’y kinarit, Hindi nakakapit!
Humantong sa ilalim, doon sa kawalan!
Hindi nila siya binigyan ng kalayaan
Ipinagkait ang pintig ng damang kabutihan!
Sa simula’y walang malay,
Walang hugis, walang kulay.
Siya’y sanhi ng isang palag ng kasamaan.
Siya’y bunga ng mga kasidhian
Ng mga pag-aalab, ng mga kapusukan.
Lumangoy siya sa sinapupunan ng ina.
Nagkaroon ng buhay, umamot ng hininga,
Biniyayaan ng dakilang Bathala.
NGunit narito na naman ang imbay ng hangal
Ang puso’y nalupig ng bigong kasal.
Sarili ang isinalang, ibinalibag ang diwang banal
Hinatulan siya sa dilim na pusikit.
Siya’y walang puwang sa daigdig,
Sa impiyerno man o sa langit.
Siya’y sinikwat, niligis inukit, ,
Winasak, dinurog, sinaklit,
Siya’y kinarit, Hindi nakakapit!
Humantong sa ilalim, doon sa kawalan!
Hindi nila siya binigyan ng kalayaan
Ipinagkait ang pintig ng damang kabutihan!
Tamang Solusyon sa Hindi inaasahang Pagbubuntis (MUST READ!)
Isang maituturing na malaking pagsubok sa isang tao maging babae o lalake ang masangkot sa pagbubuntis o makabuntis sa hindi inaasahang pagkakataon. Nais ko na ibahagi sa inyo ang aking naging karanasan sa ganitong pagsubok para sa ganito mang paraan ay mahikayat ko kayo na piliin ang desisyon na huwag hadlangan ang pagsibol ng isang bagong buhay. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magalak tuwing naalala ko nung aking nabasa yung isang message sa isang thread ditto sa mukamo.com na ginawa ni ginoong Hangin at may isang babaeng nag-reply na hindi siya sumasang-ayon sa abortion, bagamat noon man nung siya at ang kanyang nobyo ay nasangkot sa ganitong pagsubok (hindi inaasahang pagbubuntis) ay binalak din nilang ipalag-lag ang bata pero sa huli ang kanilang balaking iyon ay nagbago rin, natatandaan ko pa naka-type sa message niya na
“ wala namang kasalanan ang bata”
isa ito sa mga salitang nagpa-realize sa akin na hindi ko dapat isipin o balaking ipa-abort ang bata at ang isa ko pang nagustuhang sinabi niya ay yung
“hindi ako nagsisisi na hindi namin itinuloy ang pag-papalag-lag sa kanya”
malakas ang impact ng isinulat niyang ito sa akin, hindi ko alam kung anung salita ang gagamitin para maihayag ang aking naramdaman noon pero sa simpleng paraan ang masasabi ko ay naliwanagan ako sa pagkakataong iyon na nabasa ko ang isinulat niya. Simple lang ang message ng ginang na ito sa totoo lang, nabasa ko at narinig na ang ganitong payo sa maraming mga tao, tv, radio atbp. Pero sa palagay ko nasa tao rin minsan kung gaano siya ka-open tumangap ng payo. Kung minsan nga sa isang bata lang ay bigla tayong napapa “OO NGA ANO” pero bata lang iyon mas marami tayong karanasan sa kanya pero napapaisip niya sa atin kung minsan ang mga bagay na napapabayaan nating gawin o sundin. Isang simpleng menshae lang, maikling salita at payo pero kung tutuusin ang maliit at maikling mensaheng ito ay nakadag-dag upang magkaroon ng malaking pwersa para mangibabaw ang tamang desisyon, desisyon na sumagip sa buhay ng aking anak, desisyon na naglitas sa aming magkasintahan sa habang buhay na pagsisisi at maaring walang kapatawarang kasalanan. Isang simpleng post messsage pero may malaki palang potensyal na makapagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng isang tao, nito ko nagunita ang impluwensyang magagawa ng isang forum, thread at post. Ang artikulo ko na ito ay masasabing isang napaka-simple o unfromal work dahil sa totoo lang hindi naman talaga ako manunulat nito nalang ako nahilig sa pagsusulat nung napunta ako sa Saudi dahil minsan hindi mo naman masasabi sa iyong mga kasamahan ang iyong damdamin kayat sa journal ko nalang sinasabi ang aking mga saloobin. Ngayon ay nilalakasan ko ang aking loob na i-post ang aking mga isinulat patungkol sa aking karanasan tungkol sa isyu na ito, layunin ko na sana ay mahikayat ko kayong inyong buhayin ang bata at maiiwas ko kayo sa isang napakabigat na kasalanan. Kaya eto po ako ngayon ang inyong lingkod na magbabahagi ng aking karanasan at magbibigay ng payo na sana ay inyong pakinabangan kung kayo man ay masangkot sa ganitong uri ng pagsubok o kung ang isa sa mga mahal nyo sa buhay ang makadanas ng ganitong pangyayari.
Panimula
Bakit ba naiisipan ng mga magkasintahang ipalag-lag ang bata? Kung tayo ang titingin sa sitwasyon, masasabi natin na hindi natin gagawin ito kung tayo ang masangkot sa ganoong pag-subok, maganda kung ganoon ang ating isipan pero kung atin itong sasabihin ng diretso sa dalawang taong dumadanas ng ganitong pagsubok malaki ang posibilidad na hindi maging epektibo ang iyong pagpapayo kahit na ang iyong intension ay mabuti. May kasabihan nga na
“Laging magaling ang nanonood kesa sa manlalaro”
Kahit saan mo tignan mapa sports, pelikula o pagpili ng bibilhing gamit laging mukhang magaling o expertong pakingan magkomento yung taong nanonood o nakikinig lang, napakadali sa kanilang sabihin ang mga bagay-bagay, madali lang nilang sabihing
“dapat ganun o ganito”
nagagawa nilang magbigay ng mga ganyang comments dahil hindi nila nararamdaman yung aktuwal na “pressure” yung pagod, mismong sitwasyon, mga maliliit na bagay na nagpapalito sa iyong pagdesisyon. Kaya sa artikulo ko na ito ginawa ko ang buo kung makakaya para maiwasang maging malabnaw ang aking pagpapaliwanag at pagpapayo.
Naiintindihan ko ang pakiramdam ng mag-couple na may ganitong publema, mapa bata, nasa tamang edad na sila, legal o illegal silang magkasuyo iisa lang sila ng nararamdaman.
Natatakot ipag-alam ang katotohanan
Natural na ayaw ninyong ipaalam na nakabuntis o nabuntis kayo kung wala pa kayo sa tamang edad, wala pa sa plano o hindi naman nyo asawa o kasintahan ang nakabuntis o nabuntis ninyo dahil hindi ninyo pa alam kung ano ang isasagot sa mga tanung na maririnig ninyo, hindi pa kayo handa sa anu mang consequences na maaring isingil sa inyo at higit sa lahat maaring hindi pa kayo handang tangapin ang katotohanan. Normal na maranasan ninyo ang mga ganitong pakiramdam o sitwasyon kahit hindi pagbubuntis ang isyu ay ayaw din natin ng iskandalo, ayaw natin na kapag tinanung tayo ng “bakit” ay wala tayong maisagot o kung minsan ay hindi ganoon kadaling tangapin ang katotohanan lalo na kung taliwas sa ating nakasanayang paniniwala. Ang isa sa nais kung ipaalala sa puntong ito ay…
Nangyari Na Ang Nangyari
Nabuntis o nakabuntis ka na at hindi mo na maibabawi ang pangyayaring ito. Hindi mo na maibabalik ang kahapon kaya huwag mong sayangin ang iyong oras sa labis na pagsisisi although dapat matutunan natin ang ating pagkakamali pero ang sobrang pag-sisisi ay hindi makakalutas ng iyong kasalukuyang publema kundi ang pakinabang nito ay maiiwas ka sa posibilidad na maulit ang iyong dating pagkakamali. Ang dapat gawin sa sitwasyon na ito ay humanap ng solusyun! At papaano natin susulusyunan ang publema?
Alamin ang tunay na suliranin
Alamin natin kung ano ba talaga ang ating pinupublema, sa ganitong pangyayari maraming nagkakamali na i-identify kung ano ang tunay na suliranin, madalas ang bukang bibig ng mga tao “ang pagbubuntis” ang problema. Walang publema sa pagbubuntis, ang inyong pinupublema ay yung “paano” nag-dalang tao. Kung tutuusin normal lang namang makabuntis(lalake) o mabuntis ang isang babae, hindi ito publema kundi isang natural na pangyayari lamang, isang abnormality o publema kung hindi ka mabuntis o makabuntis(lalake) pero kapag nangyari ito sa hindi tamang processo halimabawa maling tao, pagkakataon o inaasahang pangyayari dito na ang nagiging simula ng publema. Halimbawa ay nagdalang tao ang isang dalaga na wala pa sa edad na mabuntis o di kaya ay mabuntis ang isang babae ngunit ang Ama ng kanyang dinadalang bata ay hindi niya kasintahan o Asawa at ang isa ko pang nakikitang posibilidad ay mabuntis ang isang babae na nasa gipit na sitwasyon ang kanilang budget nandidito sa mga sitwasyong ito ang publema uulitin ko…
Nakabuntis/Nabuntis ng nasa minor na Edad
Ang madalas na publema dito ay paano sasabihin sa magulang.
Nabuntis/Nakabuntis ng hindi niya kasintahan o asawa
Ang madalas na publema ay paano sabihin sa kanyang asawa ang nangyari.
Nabuntis/Nakabuntis ng walang sapat na pangsuportang pinansyal sa bata
pera ang publeama.
Palagay ko itong tatlong ito ang madalas na mabigat na pinupublema ng mga taong nasasangkot sa hindi inaasahang pagbubuntis o makabuntis ay kung papaano sasabihin ang katotohanan o di kaya ay papaano susuportahan ang bata.
Alam ko na kung minsan sa buhay natin mahirap tangapin o sabihin ang katotohanan lalo nat mayroon tayong masasaktan na mahal natin sa buhay, hindi rin lingid sa kaalaman ko na mahirap ang buhay ngayon at pahirap ng pahirap pa kaya hindi biro ang magpalaki ng bata, hindi biro ang gastusing haharapin ng isang mag-aalaga sa kanya pero gaano mang kabigat o katotoo ang mga suliraning nagbabanta ay hindi ito sasapat upang maging validong dahilan para kitilin ang buhay ng isang sangol.
Maraming debate tungkol sa abortion may nagsasabi na kung sa una palang ay nalaman mong buntis ka ay hindi pagpatay ang abortion dahil dugo palang ang nasa- sa pupunan ng ina pero para sa akin lang hindi lang natin pinaguusapan ditto kung dugo, fetus o tao na ang nasa tiyan ng ina kundi pinaguusapan natin ditto kung papaano natin tatangapin ang isang sitwasyon, ang masakit sa isang abortion ay hindi yung mismong processo na inilalag-lag ang bata kundi yung sandaling pinagdesisyunan ninyong huwag siyang buhayin. Imaginin mo na ikaw ay nasa isang sinehan at nakikita mo na sa isang sinaryo ang iyong Ina ay nagdalang-tao ng hindi inaasahan at ang batang ito kunwari ay ikaw at nakita mo sa pelikulang ito ay napagpasyahan niyang ilag-lag ka, tiyak na masakit ang magiging pakiramdam mo hindi siguro yung processo ng pagpapalaglag sa iyo kundi yung sandaling nakita mong pinasyahan ng iyong ina na huwag kang buhayin, kung masakit ito sa iyo na may matured ng pag-iisip ay di bat mas nakakaawa naman itong gawin sa isang buhay na walang muwang sa pangyayari?
Kahit ano pang paraan o dahilan ng pagbubuntis, biglaan o hindi inaasahan, kapus ka man o talagang walang pera, sana kaibigan ito lang ang iyong tandaan
Hindi sagot ang abortion kailanman, hindi sagot ang pagpatay sa isang inosenteng buhay. Ang publema ay wala sa bata kundi nasa sitwasyon nung nabuo ninyo siya, kaya dun natin ituon ang ating atensyon kung mayroon tayong dapat ituwid para mai-tama.
Eto ang mga kaisaipan noon kaya pinili kung buhayin ang bata.
“Hindi ako ma-mamatay tao”
Tulad ng iba ay nagkakasala din ako at may mga kaugaliaang nahihirapan akong baguhin, minsan tulad din ng iba ay madali akong nahuhulog sa tukso pero sa pagkakataong ito hindi ko hahayaang manaig ang pagiging makasarili o maimpluswensyahan ng masma ang puso ko.
“Hindi ako duwag”
Isa itong magandang pagkakataon para patunayan ng isang lalaki ang kanyang tapang, harapin ang sitwasyon gawin ang tama kaysa sa takasan ito sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng inosenteng buhay.
“Mahal ko ang asawa at anak ko”
Hindi ko magagawang silay saktan kailanman.
Maaring ang inyong mga sitwasyon sa kasalukuyan ay isang kakaibang storya o pangyayari na hindi natalakay sa artikulo kung ito, maaring ang pamagat ay kaintere-interesante dahil sa mga pagkakataong ito ay naghahanap kayo ng payo kung ano ang tamang gawin. Hindi din kasi madaling manghingi ng payo kung kani-kanino lang dahil ang ganitong bagay ay maselan, mahirap talagang tangapin ang katotohanan ng ganun-ganun nalang, kaya ikaw ay nakikibasa sa mga forum para makahanap ng sa palagay mo ay magandang solusyon, alam ko ang feeling dahil ganyang-ganyan din ako noon. Ngpapasalamat naman ako sa itaas at nagtagpo tayo ng landas kahit sa internet lang, sana ay makatulong ang artikulo na ito at tulad nga ng sinabi ko kung hindi man ako maka-relate sa iyong saktong sitwasyon, isang simpleng mensahe ang nais kung ipaabot sa iyo
Buhayin ang bata…
Matagal ng nakatenga ang artikel na ito sa aking laptap, dahil gusto ko sana na gawing mas-impressive at mas puno ng damdamin pero nag-aalala lang ako dahil ang sabi nila sa survey minu-minuto ay maraming nag-kokomit ng abortion at minu-minuto ay marami rin namang nag-iinternet at ditto gumagawa ng pag-sasaliksik kaya minarapat ko na itoy ipaskil kaagad upang kahit papaano akoy umaasang makatulong upang makapag-padagdag pwersa na hikayatain kayo na nasa ganitong sitwasyon na piliin ang tamang daan.
Huwag po nating hadlangan ang pasibol ng buhay.
Harapin ang ano mang pagsubok ng buong tibay ng loob at tapang.
Huwag po nating kalimutang humingi ng gabay sa itaas.
Hayaan nating mabuhay ang bata…
No comments:
Post a Comment