Ang paglalarawan ay isang paraan ng pang araw-araw na pagpapahayag na dapat nating matutunan. Ang paglalarawan ay nauuri ayon sa pakay o layunin ng pagpapahayag na inihahatid naman ng instrumentong ginamit natin sa paglalarawan. May mga pagkakataon na maaaring hindi natin namalayang nakapaglalarawan na pala tayo. May tatlong paraan ng paglalarawan:
Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay.
Maaring tungkol sa tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari.
Ginagamitan ito ng makulay, mahuhugis at maaanyo at ibang mapapandamang (naamoy, nalalasahan, naririnig) pananalita.
• batay sa pandama - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig.
• batay sa nararamdaman - bugso ng damdamin.
• batay sa observasyon - batay sa observasyon ng mga nagyayari.
Mga Uri ng Paglalarawan
1. Konkreto/ Karaniwan/ Obhetibong Paglalarawan
Nagbibigay lamang ng impormasyon sa inilalarawan,
hindi ito naglalaman ng saloobin at ideya ng paglalarawan. Ibinibigay lamang nito ang karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa pangmalas ng pangkalahatan.
2. Masining/Subhetibong Paglalarawan
Nagkakaroon ng isyu o nagkakaroon ng pagtatalo sa masining o subhetibong paglalarawan. Nagiging subhetibo kapag ito'y masining, nangangahulugang paano titingnan ang isang bagay. Ang sining ay dapat bang tumugon sa lipunan?
Ginagamit din ang masining na paglalarawan sa panitikan,
gaya sa tula, nobela at maikling kuwento. Hindi rin dapat kaligtaan na ito'y ginagamit na may layunin.
Sa kabuuan, pinagagalaw ng masining na paglalarawan ang guniguni ng bumabasa o nakikinig upang makita ang isang larawang buhay na buhay. Ito'y naglalaman ng damdamin at pananaw ng sumusulat. Ibinibigay niya ang isang buhay na larawan ayon sa kanyang nakikita at nadarama.
3. Teknikal na Paglalarawan
Pangunahing layunin ng siyensiya ang mailarawan nang akma ang anumang dapat at kailangang malaman mula sa mundo at kalawakan, kaysa nakatuon ang manunulat ng teknikal na sulatin sa eksaktong representasyon ng mga bagay-bagay at pangyayari. Sa pagkakamit ng kaeksaktuhan o kaakmaan, kalimitang gumagamit ng mga ilustrasyon ang manunulat ng teknikal na sulatin upang makita ng mambabasa ang larawan o hitsura ng inilalarawan. Subalit hindi pa rin sapat ang mga ilustrasyon at/o drowing o litrato upang magbigay ng sapat na representasyon. Tumutulong ang mga ito sa pagpapakita ng larawan.
Ngunit hindi sinasagot ang mga sumusunod na mga katanungan:
• Ano iyon?
• Para ano iyon?
• Ano ang nagagawa?
• Ano ang nangyayari pagkatapos na magawa iyon?
• Saan iyon gawa?
• Anu-ano ang mga batayang bahagi niyon?
Upang masagot nang buo ang mga katanungang nabanggit, kailangan munang sa paningin ng manunulat ang malinaw na larawan ng bagay o prosesong inilalarawan. Kailangan ding may sapat na kaalaman siya sa pagbibigay ng pangalan sa mga bahaging inilalarawan at sa mga kaugnayan ng mga ito sa bawat isa. Higit sa lahat, kailangang malaman niya ang layunin at/o tungkulin ng bagay o organismo.
PAGLALARAWAN - Ito'y isang anyo ng pagpapahayag na
naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng
mga mambabasa o nakikinig. sa pamamagitan ng paggamit ng
tiyak na salitang naglalarwan, gaya ng pang-uri at
pang-abay, malinaw na naipakikita ang katangian ng tao,
bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o
nadarama.
- napapagalaw at napakikislot din ng
paglalarawan ang ating mga guni-guni, imahinasyon at
nakatatawag ng paningin at pansin ng mga mambabasa.
MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA PAGLALARAWAN
1. May tiyak at kawili-wiling paksa
2. Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita.
3. Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita.
4. Isinasaalang-alang ang pagpili ng sariling pananaw sa
paglalarawan.
Iba't Ibang pananaw na magagamit:
a. distansya sa bagay na inilalarawan gaya ng agwat
o layo nito
b. kung nasa loob o labas
c. ayon sa sariling palagay o damdamin ng
naglalarawan bunga ng kanyang karanasan o ng
karanasan ng ibang tao.
d. ayon sa sariling palagay batay sa kanyang
narinig o nabasa.
5. Pumupukaw ng higit sa isang pandamdam: Paningin;
pandinig; pang-amoy; panlasa at panalat.
6. may kaisahan sa paglalahad ng mga kaisipang inilalarawan
7. May tiyak na layunin sa paglalarawan.
Mga Uri ng Paglalarawan
1. Karaniwan o konkretong Paglalarawan - layunin nito ang
magbigay ng kaalaman hinggil sa isang bagay ayon sa
pangkalahatang pangmalas ng manunulat. Sa pamamagitan ng
tiyak na salitang naglalarawan, naipakikita ang fisikal
o konkretong katangian. Higit na bib\nibigyang - diin sa
paglalarawang ito kung ano ang nakikita at hindi and
nilalaman ng damdamin o kuru-kuro ng manunulat.
2. Masining?abstraktong Paglalarawan - naglalayung pukawin
ang guni-guni at damdamin ng mambabasa. Higit na
nabibigyang diin dito hindi ang tiyak na larawang
nakikita kundi ang makulay na larawang nililikha ng
imahinasyon. Gumagamit ito ng mga salitang nagpapaganda
rito gaya ng mga tayutay at iba pang mga salitang
patalinhaga.
Mga Halimbawa ng Masining o Pbstratikong Paglalarawan:
1. Paglalarawan sa Tao
- ... sapagkat si Susana'y mukhang angel ng
kagandahan sa kanya... (Talulot sa pagas na
Lupa - Landicho)
2. Paglalarawan sa Damdamin
- ...punung-puno ng nakatatakot na larawan ang
kanyang ulo. (O Pangsintang labis - Tumangan)
3. Paglalarawan sa Bagay
- ... ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang
kapangyarihang nalalamon... (Makina - Marisa)
4. Paglalarawan ng tanawin o Lugar
- sa sinag ng bukang - liwayway ay tila nga naman
nag-aanyayang kung paano ang bahay na malaki.
Tisang balot ng lumot sa bubong ay tila
nagliliwanag. pati ang kurtinang gagalaw-galaw sa
marahang simoy ng hangin ay tila kumakaway.
(Kasalan sa Malakaing bayan - Pineda)
Tula
N—Noy , karamihan, isinisigaw ng Pilipino,
sa buong mundo, lahat-lahat, mabango-mabango !
Bakit ?..Bayan, sobrang-nasirang mga politiko,
karamihan humi-hingi, tunay na pagbabago !
Opisyales mga nanumpa, umaktong “dorobo”,
mandaraya, magnanakaw-sagradong mga boto !
Nakapagtataka, kay daming “maka-pili ” na TAO,
di masisi, dahil Peso, ng mga Politiko !
O—Ompisa noong siya’y sumigaw sa panguluhan,
kay dami ng napukawan, kasama na si JUan !
nagising sa pagtulog na may kasinunga-lingan,
EDSA-dos (2), pala’y di totoo, lahat-kalukuhan !
pati na ” CONSTITUTION ” dinusta at niyurakan,
walang ginawa, pati alipores, nagpa-YAMAN !
kumulilat ang Pilipinas, sa NASYONG SAMAHAN,
nagsisi si JUAN, bulsa niya ay ninakawan !
Y—Yang mga botante ngayon, mga handang-handa na,
sana nga sa isip-puso di mag-pabigla-bigla !
baka sa silaw ng pilak, at yaman, tutukan-ka,
sagradong boto, mabili at magka-bakla-bakla !
di alam, sarili’y , Espiritu nila’y wala na,
tulad sa lindol, TAO’t ” properties” mga patay na,
pagsisisi na lamang lagi, wala ng GINHAWA !
May MAkuKUha Ka Sa BasURa…AlamiN
Ni: Edong Magpayo
Alas Diyes’y Medya (10:30 AM) ng umaga, ika 28 ng Hulyo, 2007 habang pinapatay ko ang oras sa pag-aantay ng aming programa sa DYPR AM ay pinili ko munang maupo sa harapan ng labas ng himpilan… Habang nililibang ko ang aking sarili sa paggawa ng balitang pang-kalikasan na aking babasahin ay namatyagan ko ang isang matandang lalake na namumulot ng basura sa panulukan ng Mabini at gamit lamang ang isang matulis na bagay na siya niyang pinandadampot sa mga basurang kaniyang nadadaanan sa kalye.
Naisip ko agad na sila ay bahagi ng programang Oplan Linis ng Lungsod ng Puerto Princesa, at isa nga sila sa dahilan kung bakit patuloy na nanatiling malinis ang pinakapusod ng lungsod. Maaaring isa rin siya sa naging tulay upang mapagwagian natin ang titulong “Pinakamalainis at Luntiang Lungsod sa Pilipinas”, at dahil gantimpalang iyon ay mas nakilala pa sa kalinisan ang Puerto Princesa, hindi lamang sa ating bansa bagkus sa ibang panig pa ng mundo.
Salamat! Malaking tulong!
ReplyDelete_nakszsz! i lub dis topic... hahaha... dis is mai report.. keith mariano NEUST-MGT
ReplyDeleteputa mo
Deletenaku maraming salamat po ah...t.y
Deletesalamat sa info..tnx
ReplyDeletesaan po ba makakahanap ng artikulo na may tatlong uri ng paglalarawan? kasi karamihan puro lang objektib at subjektib. malaking bagay po sa akin kung matulungan nyo ako,. ipapasa na po kasi bukas tapos wala pa akong mahanap,. :(
ReplyDeletebaliw ka
Deletekuyawa gud
ReplyDeletewala b ung mga halimbawa ng paglalarawan? d q mhanap eh
ReplyDeleteex:
1. karaniwang paglalarawan ng pook o tagpuan
2. masining ng paglalarawan ng damdamin
3. masining ng paglalarawan ng pangyayari
wln karaniwan?
ReplyDeletenice
ReplyDeleteputa ampangit
ReplyDeletewalang kabuluhan ang nilagay nyo. TANGA ANG GUMAWA, daig pa kayo ng mga PUTA, WALANG SILBI AT MGA GAGO KAYONG LAHAT NA GUMAWA NITO.. ANG BOBO
ReplyDeleteEh ano ka pa? So, pag nagmura ka dito tingin mo may naitulong ka na?
ReplyDeletemaraming salamat po
ReplyDeletehahaha ganyan po pala kayo
ReplyDeletenagmumurahan talaga
hey kilala ko gumawa nito ha.
kita kita tau mamaya ate jen
love u po.